Home NATIONWIDE 83% Pinoy: Pag-aalaga sa tahanan, pamilya, pangunahing papel ng kababaihan – SWS

83% Pinoy: Pag-aalaga sa tahanan, pamilya, pangunahing papel ng kababaihan – SWS

155
0

MANILA, Philippines – Mahigit 80 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwala na ang pangunahing papel ng babae ay ang pag-aalaga sa tahanan at pamilya, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Nobyembre 24 hanggang 30.

Sa survey, 83 porsiyento ang sumang-ayon sa pahayag na “A man’s job is to earn money; a woman’s job is to look after the home and family.” Samantala, 8 porsiyento ang hindi sumang-ayon at 9 porsiyento ang hindi nakapagpasya. Nagtala ito ng net agreement score na +75 na itinuturing ng SWS na “extremely strong.”

Nasa 81 porsiyento naman ang sumang-ayon na “being a housewife is just as fulfilling as working for pay,” habang 11 porsiyento ang hindi sumang-ayon at 7 porsiyento ang undecided. Nagresulta ito sa net agreement score na +71.

Sa pahayag na “a job is all right, but what most women really want is a home and children,” 75 porsiyento ang sumang-ayon at 14 porsiyento ang hindi, na may net agreement score na +60. Sampung porsiyento ang undecided.

Samantala, 71 porsiyento ang naniniwala na “a working mother can establish just as warm and secure a relationship with her children as a mother who does not work,” habang 18 porsiyento ang hindi sumang-ayon, na may net agreement score na +53.

Gayunman, 63 porsiyento ang sumang-ayon sa pahayag na “a preschool child is likely to suffer if his or her mother works,” habang 27 porsiyento ang hindi sumang-ayon, na nagresulta sa net agreement score na +37 na ikinategorya ng SWS bilang “very strong.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here