Home NATIONWIDE Kampo ni VP Sara walang kinalaman sa mga banta kay Madriaga: We...

Kampo ni VP Sara walang kinalaman sa mga banta kay Madriaga: We want him alive

194
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng legal team ni Sara Duterte na wala itong kinalaman sa umano’y death threats na natanggap ni Ramil Madriaga, na nagpakilalang “bagman” ng bise presidente.

Ayon kay Salvador Paolo Panelo Jr., abogado ni Duterte sa kasong perjury laban kay Madriaga, nais pa nga umano ng bise presidente na manatiling ligtas ito upang makapagbigay ng pahayag sa hinaharap.

“VP Sara has nothing to do with any death threats to Madriaga and we join any calls to provide him with additional protection,” ani Panelo.

Dagdag pa niya, nais umano ni Duterte na manatiling buhay si Madriaga upang aminin na hindi totoo ang kanyang pahayag na siya ang “bagman” nito at maituro rin ang mga umano’y nag-utos sa kanya.

“We want him alive and in the pink of health because he’s the only one who can admit that he made up his testimony against the Vice President, and identify his handlers,” dagdag ni Panelo.

Nauna rito, sinabi ng abogado ni Madriaga na si Raymund Palad na nakatanggap umano ng pananakot ang kanyang kliyente habang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Humiling ang kampo ni Madriaga ng dagdag na seguridad mula sa National Bureau of Investigation (NBI), na pumayag naman upang mabigyan siya ng “peace of mind.”

Hinamon din ni Panelo si Madriaga na magbigay pa ng detalye sa kanyang alegasyon na dati umano siyang nagtrabaho para kay Duterte noong mayor pa ito ng Davao City at naghatid ng malaking halaga ng pera sa iba’t ibang lugar sa utos nito nang maging bise presidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here