Home NATIONWIDE Piso bumagsak kontra Dolyar kasabay ng tumitinding tensyon sa MidEast

Piso bumagsak kontra Dolyar kasabay ng tumitinding tensyon sa MidEast

176
0

MANILA, Philippines – Bumagsak sa pinakamahinang antas sa mahigit isang buwan ang Philippine peso noong Biyernes matapos magsara sa 59 laban sa US dollar, kasabay ng patuloy na pagtaas ng halaga ng dolyar habang nagpapatuloy ang digmaan sa Middle East.

Nagtapos ang linggo ng kalakalan na nasa 59 ang piso kontra dolyar—37 sentimo na mas mahina kumpara sa naunang pagsasara. Ito na ang pinakamahinang antas mula Enero 27, 2026 nang magsara ito sa 59.085, at natigil ang panandaliang pag-angat ng piso sa unang bahagi ng taon.

Sa panayam sa CNBC, sinabi ni Remolona na kung tataas sa $100 kada bariles ang presyo ng krudo at patuloy na lalakas ang dolyar na nagpapahina sa piso, maaaring magpatupad ng mas mahigpit na polisiya ang BSP upang mapigilan ang pagtaas ng inflation lampas sa target.

Lumala ang tensyon sa Middle East matapos ang pag-atake ng United States at Israel sa Iran, na gumanti at tumarget din sa Israel at mga kalapit na bansa na may presensiya ng pwersang Amerikano tulad ng United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, Bahrain, Iraq, Jordan at Saudi Arabia.

Naapektuhan din ang daloy ng mga barko sa Strait of Hormuz, isang mahalagang rutang dinadaanan ng malaking bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis, na nagdulot ng pangamba sa posibleng kakulangan sa suplay lalo na sa mga bansang umaangkat ng enerhiya tulad ng Pilipinas.

Samantala, ayon kay Deepali Bhargava ng ING Bank, maaaring mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis sa retail kung ipatutupad ng pamahalaan ang planong suspensyon ng excise tax sa fuel. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here