Home HOME BANNER STORY Pagbabawal ng vape sa kabataan, sinuportahan ng mga health group

Pagbabawal ng vape sa kabataan, sinuportahan ng mga health group

196
0

MANILA, Philippines – Suportado ng mga health at child rights advocates ang panawagan ni Health Secretary Teodoro Herbosa na itaas ang minimum age sa pagbili ng vape at tobacco products sa 25 taong gulang at dagdagan ang buwis sa nicotine products.

Ayon sa Philippine Tobacco Control Coalition, kailangan ang mas mahigpit na regulasyon upang maprotektahan ang kabataan laban sa nicotine addiction. Binanggit nila na hindi mas ligtas ang vaping kumpara sa tradisyunal na sigarilyo at nagdulot na ito ng unang naitalang death sa bansa na may kaugnayan sa e-cigarette o vape.

Ani Herbosa, “E, kung lason, ang personal stand ko, i-ban na lang natin. Dapat total ban yan for our children.” Dagdag pa niya, “Ako bilang kalihim hindi ako titigil sabihin sa ating mamamayan ano ang mga bad effects sa health nila ng pagbe-vape at paninigarilyo.”

Binigyang-diin din ng coalition ang E-cigarette or Vaping Use-Associated Lung Injury (EVALI), isang bagong sakit na lumitaw kasabay ng paglaganap ng e-cigarettes at vape products. Ipinakita ng datos na isa sa pitong estudyante sa Pilipinas ay gumagamit ng vape.

Iminungkahi ng mga advocates ang mga sumusunod: itaas ang legal age sa 25, dagdagan ang buwis sa tobacco at vape products, at sa pangmatagalan ay ipagbawal ang lahat ng vape, sigarilyo, heated tobacco products, at nicotine pouches.

Ani Ulysses Dorotheo, “Eight out of eleven ASEAN countries have already taken the only correct action by banning e-cigarettes,” habang pinaalalahanan ang Pilipinas na huwag mapag-iwanan sa proteksyon ng kabataan.

Dagdag pa ni Vonn Vincent Tanchuan ng TobaccOFF NOW! Movement, “The science is clear—the youth brain is still under development until age 25. Protecting the young means ensuring their biological development is shielded from addictive substances until that point.”

Ayon sa mga advocates, dapat unahin ng mga mambabatas ang pampublikong kalusugan at proteksyon sa kabataan kaysa interes ng industriya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here