Home METRO 4 bata nasagip ng NBI sa online sexual abuse sa Cavite

4 bata nasagip ng NBI sa online sexual abuse sa Cavite

151
0

CAVITE, Philippines – Apat na batang lalaki, estudyante sa pampublikong elementarya sa Imus City, Cavite, ang nasagip ng National Bureau of Investigation matapos silang maging biktima ng online child sexual abuse at exploitation.

Ayon sa NBI, isang Amerikanong national ang direktang nakipag-ugnayan sa mga biktima na nagresulta sa mass production at pagpapadala ng Child Sexual Abuse and Exploitation Material.

Ang rescue operation ay isinagawa noong Miyerkules, Marso 4, ng Human Trafficking Division ng NBI, kasunod ng request ng tulong mula sa Federal Bureau of Investigation sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center.

Kasama sa operasyon ang Violence Against Women and Children Division ng NBI, Cavite District Office North, City Social Welfare Development Office, at ilang non-government organizations.

Ang apat na bata ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng social welfare officers para sa kinakailangang psychological at medical interventions. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here