Home ENTERTAINMENT Andi, may babala kontra scammer!

Andi, may babala kontra scammer!

158
0

Manila, Philippines – Naglabas ng warning si Andi Eigenmann makaraang may gumagamit ng kanyang pangalan para makalikom ng pera para sa kanyang donation drive kuno.

On her Instagram Stories, the inactive actress issued a warning kasabay ng paglabas ng screenshot ng usapan sa pagitan ng impostor at ng kanyang mga kaibigan.

In one convo, nanghihingi ang scammer para sa donation drive kuno ni Andi at ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Nakalaan daw kuno ang drive na ‘yon para sa paglilinis ng dagat at sa mga surfers.

Si Philmar ay kampeon sa larangan ng surfing sa Siargao, kung saan naka-base sila ni Andi at dalawang anak.

Saad ng post ni Andi: “Warning! Someone is posing as me on Telegram and attempting to solicit money in the guise of a donation drive!”

Pahabol niya: “Please be advised that I will never in my life ask anyone for money…please do not engage!

“Please do not assume I talk that way through messaging either!”

Hindi din napigilan ni Andi na asarin ang nagpapanggap bilang siya: “Please fix your grammar if you want to pose as me!”

Sinubukan pa daw ng impostor na manghiram ng pera kapag umabot na sa limit ang daily withdrawal ng potential victim.

“Nice try, scammer! You could’ve at least tried to take notes off my tone on social media,” panonopla ni Andi.

Usung-uso ang ganitong M.O. (modus operandi) sa showbiz na nakapangbiktima na tulad nina Vice Ganda, Marvin Agustin, Rufa Mae Quinto, Ronnie Liang at marami pang iba.

Kaya beware! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here