Home ENTERTAINMENT Kath at Mark, lantaran na, nagpa-selfie pa sa fans!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kath at Mark, lantaran na, nagpa-selfie pa sa fans!March 7, 2026 17:422050 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Lantaran na ang relasyon nina Kathryn Bernardo at Mark Alcala.Kung dati-rati’y maingat pa silang nagtatago o nagdi-disguise, they’re out in the open this time.After all nga naman, what is there to hide–eh, kumalat na naman ang video na magkasama sila sa mall.May mga naka-recognize kay Kathryn kahit naka-face mask pa siya.Dahil out na nga sila, pinagbigyan na nila ang mga fans who wanted to take their pictures.Kitang-kitang on cloud 9 ang Kapamilya actress.Cute ang eksenang sasakay sina Kath at Mark ng elevator, wait sila until the lift opened.Kaso, pagbukas ng pinto ay puno na ito so they had to stand by.At habang naghihintay ng kasunod na elevator, sinamantala na ‘yon ng mga fans para magpa-picture sa kanila.Comment ng mga ito: “Bagay sila!”“Ang tangkad pala ni Mark…they look cute together!”“Go lang, Kathryn, you deserve to be happy!”As expected, the couple simply can’t please everybody.May mga namimintas pa din kasi kay Mark–tiyak na hindi pa din nila tanggap ang Lucena mayor for their idol.As if naman these bitter fans’ feelings matter, hmp! Ronnie Carrasco III