Ganito maaaring ilarawan ang naging bonding ni Ellen Adarna kasama ang mga tsikiting na sina Ellas at Lili habang on vacation sa Amanpulo, Palawan.
Pero ang attention-grabbing sa post na ‘yon ni Ellen sa Instagram Stories ay dahil ka-join din ang kanyang former partner na si John Lloyd Cruz with his girlfriend Isabel Santos.
Ang caption ni Ellen ay ni-repost ni Isabel.
In another picture, mababanaag si Isabel while taking a dip bago mag-sunset.
“Push @isabelreyessantos…kaya mo ‘yan, ahahaah!” post ni Ellen.
May video din ng bonding moments ang mag-amang Lloydie at Elias.
Dahil doon, umani ng mga papuri mula sa netizens si JLC sa pagiging good father nito kahit hiwalay na sila ni Ellen.
Sey ng isang netizen: “Grabe! The best jud inyuha co-parenting. Purya bayag!”–na ang ibig sabihin ay “the best ang co-parenting. Puwera usog.”
Gayundin ang maayos na pagtrato nina Ellen at Isabel sa isa’t isa.
Malapit din kasi si Isabel kay Elias.
Inuurot nga si Ellen na sabihan sina Lloydie at Isabel na magpakasal na.
Maganda nga daw tingnan ang blended family tulad nila.
Healthy daw ‘yon para kina Elias at Lili.
JLC, Ellen and Isabel were last seen together at Elias’ piano recital on December 14, 2025. Ronnie Carrasco III