Manila, Philippines – Maraming bading ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo siya at flawless pa.
Pero mas lalong dumami ang mga members ng third sex ang gusto siyang matikman matapos lumabas ang sinasabing sex video scandal niya.
Ito’y kahit na nga nilinaw na ng aktor at board member ng second district ng Tarlac na wala siyang video scandal, at ang pinagpipiyestahan ngayon ng publiko ay mga eksena sa mga ginawa niyang Vivamax o VMX movies.
Paliwanag pa ng aktor, ginamit din daw ng mga kalaban niya sa politika ang isyu ng sex video noong kumandidato siya last elections.
Sabi pa ni Arron sa panayam ng PEP.ph, “Okay yan, nakakatulong sa akin.
“Alam mo sa panahon ngayon, you cannot really dictate whatever you want to that person kasi I really do believe na nobody can help you but yourself.”
Samantala, may natapos na pelikula si Arron na siya ang lead star.
Ito ay ang action-suspense-drama na “Pater Noster”.
Kasama niya rito si Kayley Carrigan, na kilala sa kanyang husay sa martial arts, acrobatics, parkour, fight choreography at specialized stunt techniques, at ang veteran character actor na si Archi Adamos.
Ilang beses nang napatunayan ni Arron ang kakayanan niya sa pagsasabuhay ng iba’t ibang karakter dahil sa dami ng nagawa niyang primetime drama at pelikula.
Ngayon, tiyak na mabibihag niya ang mga manonood sa ipakikitang lalim na emosyon bilang Peter. Rommel Placente