Manila, Philippines – Maugong ang tsikang masama raw umano ang loob ni Joaquin Arce sa dating housemate na si Lella Ford na tinanghal na big winner alongside with Caprice Cayetano, sa nakaraang PBB Celebrity Collab edition 2.0?
Hanggang ngayon kasi ay pinag-uusapan pa rin ang naging kaganapan noong nakaraang Big Night.
Sa isang segment kasi ng elimination, ibinigay ni Lella ang kanyang 300 points kay Princess Aaliyah, kaya naman nabokya si Joaquin.
In other words, nilaglag nito si Joaquin.
Ine-expect pa naman ng supporters nila na ibibigay niya ang kanyang suporta sa binata.
Sa nangyaring turn of events, may mga katikatera at sawsawerang nilalang na nagsabing maging ang stepson daw ni Angel Locsin ay nagulat sa ginawang iyon ni Lella.
To think na sinabi pa noon ni Momshie Karla Estrada na close friends noon pa man ang kanyang anak at si Joaquin.
Katunayan, sila rin noon ang sini-ship na tandem sa Bahay ni Kuya.
May ilan namang nag-oopinyong stratehiya iyon ng kapatid ni Daniel Padilla para manalo siya.
Sa true lang, isa lang naman talaga ang puwedeng magwagi o tanghaling ultimate winner.
So ang basa ng mga nagmamaldita ay isang kakumpentensiya ang tingin ni Lella kay Joaquin.
Sa kabilang banda, binibigyan naman ng kulay ng kibitzers ang naging laman ng short speech ni Joaquin nang manalo siyang third placer sa nakaraang edisyon ng reality competition.
May nabanggit kasi ang manok ni Angel tungkol sa pagiging hindi makasarili.
Aniya: “The reason I’m here is because of you. Glory be to God! There’s no point in living if you don’t live for someone else. Be selfless.”
May mga sawsawera namang ikinokonek ang kanyang mensahe na diumanoý parinig sa kanyang dating co-housemate na nanlaglag sa kanya.
Well, bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Lella at Joaquin tungkol sa isyu. Archie Liao