Home NATIONWIDE NLEX naglabas ng abiso sa repair ng Meycauayan Bridge

NLEX naglabas ng abiso sa repair ng Meycauayan Bridge

161
0

MANILA, Philippines – Binalaan ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mga motorista sa posibleng delay sa biyahe dahil sa nagpapatuloy na repair sa Meycauayan Bridge.

Ipatutupad ang full lane closure sa tulay mula Marso 7 hanggang Marso 13, ayon sa NLEX Corporation.

Isasagawa ang lane closure ‘one at a time’ at ang lahat ng apat na lane ay mananatiling bukas sa trapiko tuwing weekend rush hour.

Ang lane closure ay nagsimula alas-10 ng gabi ng Sabado, Marso 7, at magtatapos sa Linggo, Marso 8, ng alas-4 ng madaling araw.

Isasagawa naman ang panibagong lane closure tanghali ng Marso 9, hanggang Marso 13.

Ayon kay Luis S. Reñon, presidente at general manager ng NLEX Corporation, ang repair ay kinakailangan para pagbutihin ang road surface quality at mabawasan ang mga lubak at iba pang depekto na dulot ng mga malalakas na pag-ulan.

“Please expect travel delays while this project is ongoing. We appreciate our customers’ understanding as we complete these works. This short-term inconvenience will result in smoother and safer travel along this stretch of the NLEX,” sinabi ni Renon.

Bubuksan ang counterflow lane sa north bound section para sa mga motorista na maaapektuhan ng lane closure.

Magsisilbi namang bypass lane ang East Service Road mula Ever Memorial Garden patungong Libtong para sa lahat ng uri ng sasakyan na maaapektuhan ng counter flow lane sa northbound lane.

Inaasahang makukumpleto ang improvement project ng Meycauayan Bridge bago mag-Semana Santa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here