Home NATIONWIDE Ilang Pinoy pumayag maging espiya dahil sa pera – nat’l security official

Ilang Pinoy pumayag maging espiya dahil sa pera – nat’l security official

153
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng national security officials nitong Sabado, Marso 7 na may kinalaman sa pera ang pagkakadiskubre ng mga Pinoy na naging espiya ng China.

Sinabi ni Ret. Rear Admiral Rommel Jude Ong na isa sa mga konsiderasyon ng pinakabagong pagkakahuli sa mga Filipino dahil sa pang-eespiya ay may kinalaman sa isyung pinansyal, matapos umamin na ang kanilang mga sahod sa pamahalaan ay mababa.

Ayon naman kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, ang mga perang nakukuha ng mga ito para sa impormasyon na ibabahagi sa kanilang recruiter ay umaabot ng 6 digit, hiwalay pa ang mga allowance o ‘money per information.’

“Dun kita ire-recruit base sa weakness mo. Iba-iba yan, pero itong apat na ito, by and large, financial. Ang profiling nila, they are in government, they have access to information but they are not paid enough,” sinabi ni Ong, dating Philippine Navy vice chief.

“They are not paid enough kasi may salary grade ang gobyerno hanggang dun lang talaga yun. So in this case ang approach is financial, but again for recruitment purposes, kung ire-recruit kita, ipo-profile muna kita, then depende sa level of access mo sa information,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here