Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa banta ng rabies

DOH nagbabala sa banta ng rabies

169
0
Kasabay sa pag-alala sa World’s Rabies Day tuwing September 28, nagsagawa ang Villar Foundation sa pangunguna ni Senador Cynthia Villar ng ika-anim na Libreng Kapon at Ligate Para sa Aso o Pusa ng Las Piñas at Bacoor. Kasabay nito ay nagbigay din ng libreng bakuna para sa rabies. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado, Marso 7 laban sa rabies sa kabila ng pagbaba ng 65% sa mga kaso sa unang dalawang buwan ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

Iniulat ng ahensya ang kabuuang 17 kaso ng rabies mula Enero 4 hanggang Pebrero 21, o pagbaba ng 49 kaso sa kaparehong monitoring period noong 2025.

“We shouldn’t be complacent kasi may rabies pa rin, at ang rabies ay deadly. ‘Pag ikaw nagka-rabies, once the symptoms start, almost 100% ang mortality. [This is] very important,” saad sa abiso ni DOH Secretary Teodoro Herbosa.

Ang Marso ay isa sa itinuturing na Rabies Month.

Samantala, sinabi ni Herbosa na inaprubahan ng PhilHealth Benefits Committee ang pinataas na coverage para sa rabies post-exposure prophylaxis.

Sa kasalukuyan, sakop ng PhilHealth ang enhanced animal bite package na hanggang P5,850 kabilang ang post-exposure prophylaxis, local wound care, tetanus toxoid at anti-tetanus serum, antibiotics, at supplies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here