Home NATIONWIDE Bebot binaril-patay habang nakaupoNATIONWIDETOP STORIES Bebot binaril-patay habang nakaupoMarch 8, 2026 12:071600 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Binaril-patay ang isang babae sa Barangay Langtad, Argao, Cebu nitong Biyernes, Marso 6.Kinilala ang biktima na si Maria Joylyn Remoroza Loyola, residente ng Brgy. Langtad, Argao.Batay sa imbestigasyon ng Argao Municipal Police Station, nakaupo lamang ang biktima sa upuan bago mangyari ang insidente.Bigla na lamang dumating ang hindi pa tukoy na suspek at pinagbabaril ito gamit ang hindi pa tukoy na kalibre ng pistola.Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at nasawi on the spot.Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente.Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa krimen at nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa suspek. RNT/JGC