MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mapanganib na lebel ng heat index ang dalawang lugar sa Pilipinas nitong Sabado, Marso 7.
Ayon sa PAGASA, ang Dagupan City, Pangasinan at Catarman, Northern Samar ay nakapagtala ng heat index na 43°C at 42°C.
Klasipikado ang 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius na heat index sa danger category, habang ang mga lugar na may 52°C at pataas ay nasa extreme danger category.
Posible ang heat stroke sa ilalim ng extreme danger category habang heat cramps, exhaustion, at heat stroke ang posible sa ilalim ng danger level.
Samantala, may kabuuang 15 lugar ang makararanas ng heat index na nasa ilalim ng extreme caution category ngayong Linggo, Marso 8.
Ang extreme caution ay heat index na nasa pagitan ng 33°C at 41°C, kung saan posible ang heat exhaustion at heat cramps.
Mararanasan ang heat index na 39°C sa mga sumusunod na lugar:
Sangley Point, Cavite
37°C naman sa:




