MANILA, Philippines – Nasa mahigit P10 milyong halaga na ransom money kapalit ng kalayaan ng Chinese national na tinangay ng pitong armadong kalalakihan makaraang pasukin at igapos ang ilang miyembro ng pamilya kabilang ang tatlong anak na menor de dead at katulong nitong Huwebes ng gabi sa Bacoor City, Cavite.
Base sa nakalap na report, tinangay ng mga suspek si alyas Monico na nakasuot ng kulay itim na mask, long sleeve at armado ng matataas na kalibre ng baril.
Nakatanggap umano ng tawag mula sa biyenan ni alyas Jewelry (asawa ng biktima) at humihingi ng tulong dahil ang kanyang asawa ay kinuha ng pitong kalakihan na armado ng matatas na kalibre ng baril.
Sa imbestigasyon, bandang alas-7:30 noong Huwebes ng gabi nang puwersahang pinasok ang bahay sa Macopa Road, Justine Ville Subd., ng nasabing lugar at iginapos si Jewelry, kanilang katulong na si alyas Demi, 50, kanilang anak na si alyas Justin, 13, alyas Alexandra, 10 at alyas Micah, 4 at ikinulong sa loob ng comfort room.
Nakuha ng mga suspek mula sa mga biktima ang mga alahas, laptop, gadget at cash.
Natanggal lamang pagkakagapos ng mga biktima nang dumating sa lugar ang kanilang kamag-anak.
Napag-alaman na bandang alas-8:45 ng gabi ay nakatanggap ng text si alyas Jewelry na mula sa mga suspek na sinasabing “‘Wag kang mag-report, buhay pa ang asawa mo.”
Nakatanggap naman ng tawag bandang alas-8:49 ng gabi ang kapatid ng biktima na si Jo Ann at pinaghahanda ng P50,000,000.00 para sa pagpapalaya ng kanyang kapatid.
Dagdag pa ng tawag na kung hindi magbibigay ng pera ay papatayin ang biktima at kinakailangang madala ang nasabing pera ala-1:00 ng madaling araw.
Batay sa salaysay ng kapitbahay, bandang alas-8:00 ng gabi ay may nakita umano siya na isang puting Nissan Terra na may plakang NEH 8036 na pagmamay-ari ng isang Mr. Chua na paalis sa nasabing bahay.
Kasunod nito ang isang kulay gray na Toyota Innova sa direksiyon patungong Aguinaldo Highway.
Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa dinaanan ng mga suspek at posibleng pagkakakilanlan sa mga ito. MARGIE BAUTISTA