Home NATIONWIDE Bigtime tulak laglag sa isang kilong ‘damo’ sa Bulacan buy-bust ops

Bigtime tulak laglag sa isang kilong ‘damo’ sa Bulacan buy-bust ops

156
0

Bulacan – Timbog ang High-Value Individual (HVI) na 21 anyos na drug suspect matapos umanong mahulihan ng isang kilong marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng Marso 6.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Boom boom”, residente ng Brgy. Muzon East.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng SJDM police station na may koordinasyon sa PDEA sa nasabing lugar.

Nabatid na nagbenta ang target ng isang sachet ng hinihinalang marijuana sa poseur buyer kapalit ang P1000 marked money kaya agad siyang inaresto ng mga pulis sa lugar.

Nakumpiska sa suspek ang marked money kasama ang dalawang panibagong sachet ng hinihinalang marijuana at isa pang bloke ng nasabing iligal na droga na may balot ng manipis na plastik na may timbang ng nasa isang kilo at may halagang P120K,360.

Ang suspek na inabisuhan ng kanyang mga karapatan base sa saligang batas na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng naturang istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here