Home NATIONWIDE Mga magsasaka nangangamba sa epekto ng tensyon sa Middle East

Mga magsasaka nangangamba sa epekto ng tensyon sa Middle East

314
0

MANILA, Philippines – Nangangamba ang sektor ng agrikultura na maaaring maapektuhan ang agrikultura dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan (Middle East) at inaasahan tataas ng presyo ng gasolina dahil sa patuloy na giyera.

Sinabi ni Argel Joseph Cabatbat, chairman ng Magsasaka Partylist na sa kabila na malayo ang Pilipinas sa giyera sa Gitnang Silangan ay maaapektuhan umano ang sektor ng agrikultura dahil sa tumitinding giyera.

Sa pakikipanayam ng media kay Cabatbat, maaari umanong umakyat sa P90 pesos ang presyo ng langis sakaling magtuloy-tuloy ang tensyon sa Middle East.

“Maaaring umabot sa 90 pesos ang presyo ng langis kapag nagtuloy tuloy ang tension,” ayon pa kay Cabatbat.

Ayon pa sa chairman ng Magsasaka Partylist, pangunahing maaapektuhan umano ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang sektor ng agrikultura.

“Pati yung pesticide, abono, na ginagamit ng mga magsasaka maaaring tumaas ang presyo,” sinabi pa ni Cabatbat.

Sinabi pa nito na napakalayo natin sa kanila para tayo maapektuhan ng sigalot pero hindi maiiwasan na maging epekto nito sa mga magsasaka.

Nauna nang sinabi ng mga eksperto na inaasahang sisipa ang presyo ng langis sa pagbubukas ng pandaigdigang merkado matapos ang mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran, habang lumalalim ang pangamba na maaaring maapektuhan ang global na ekonomiya kung magpapatuloy ang sigalot sa Middle East.

“Baka tumaas pa uli ng additional P10 (presyo ng langis at gasoline) yan dahil sa tension sa Gitnang Silangan,” dagdag pa ni Cabatbat.

Samantala, sa pagtaya ng mga analyst na maaaring umabot sa 85 hanggang 90 dolyar ang presyo ng kada bariles ng krudo.

Malaki ito kumpara sa higit 72 dolyar na presyo ng Brent crude noong Biyernes at 61 dolyar sa unang bahagi ng taon.

Nababahala rin ang Magsasaka kung bakit kaya ang bilis naman magtaas ng presyo ng diesel gayon hindi pa naman nakakarating sa atin ang mahal na presyo ng nito. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here