Home NATIONWIDE Sa 2026 kumpletong textbooks, matatanggap ng mag-aaral sa public schools – Gatchalian

Sa 2026 kumpletong textbooks, matatanggap ng mag-aaral sa public schools – Gatchalian

173
0

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng kumpletong set ng aklat ang bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa kauna-unahang pagkakataon matapos ilaan ang P19.5 bilyong pondo sa ilalim ng 2026 national budget.

Inihayag ito ni Senator Sherwin Gatchalian matapos suriin nang mabuti ang pondong inilaan ng Kongreso sa sektor ng edukasyon na pinakamalaki sa alinmang ahensiya ng pamahalaan bilang pagtugon sa probisyon ng Saligang Batas.

“Sa ilalim ng 2026 national budget, tiniyak nating wala nang mag-aaral ang magkukulang sa aklat. Kung dati ay ginagamit ng mahigit isang mag-aaral ang bawat libro, hindi na ngayon,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.

Gayunpaman, hiniling ni Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na tiyaking magagamit nang maayos ang inilaang pondo para dito.

Ayon sa senador, noong 2025, nasa 14% lamang ang utilization rate para sa textbook at iba pang instructional materials.

Iniulat naman ni Dr. Carmela Oracion, Officer-in-Charge Undersecretary for Learning System, sa Senate Committee on Finance na ngayon pa lang ay bumibili na ang kagawaran ng mga textbook na nagkakahalaga ng P7 bilyon.

Ang mga aklat na ito ay para sa mga mag-aaral sa Grades 6, 9, at 10, ang huling mga set na kinakailangan para sa ganap na pagpapatupad ng MATATAG curriculum.

Dagdag pa ng opisyal ng DepEd, ang natitirang P12 bilyon ay ipapalabas sa mga rehiyon para sa distribusyon ng mga aklat. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here