Home NATIONWIDE Pribadong sektor pwedeng gumamit ng flexible work arragements – DOLE, ECOP

Pribadong sektor pwedeng gumamit ng flexible work arragements – DOLE, ECOP

209
0

MANILA, Philippines — Pinahihintulutan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanya sa pribadong sektor na magpatupad ng flexible work arrangements basta’t may kasunduan ang employer at mga empleyado.

Ayon sa DOLE, pinapayagan ng batas ang iba’t ibang uri ng work rotation o schedule kung ito ay parehong sinang-ayunan ng dalawang panig.

Ipinaliwanag ni DOLE Bureau of Working Conditions Director Alvin Curada na matagal nang may polisiya ang pamahalaan para sa alternative at flexible work arrangements.

“In 2019, this was institutionalized under the Telecommuting Law, Republic Act 11165,” ani Curada.

Binanggit din niya ang dalawang posibleng paraan para maipatupad ang four-day workweek nang hindi naaapektuhan ang sahod, benepisyo at kabuuang trabaho ng mga empleyado.

Ang unang opsyon ay pahabain ang oras ng trabaho kada araw nang lampas sa walong oras, basta’t hindi lalampas sa normal na weekly workload.

Ang ikalawang opsyon ay panatilihing regular ang schedule mula Lunes hanggang Huwebes na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, habang gagawing hybrid setup ang Biyernes.

Samantala, iginiit ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na dapat pag-aralan muna nang mabuti ang anumang work arrangement upang matiyak ang kaligtasan at productivity ng mga manggagawa.

“It can be studied, but it cannot be made compulsory,” ani ECOP Chairman at President Sergio Ortiz-Luis Jr. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here