Home NATIONWIDE Jinggoy dumipensa sa tanong sa atleta kung may boyfriend ito

Jinggoy dumipensa sa tanong sa atleta kung may boyfriend ito

138
0

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Senador Jinggoy Estrada ang kanyang naging tanong sa American basketball player na si Elizabeth Means kung may Filipino boyfriend ito sa pagdinig ng Senado kamakailan.

Sa ulat, sinabi ni Estrada na ang naturang pahayag ay bahagi lamang ng “friendly banter” sa pagitan niya at ni Senador Kiko Pangilinan.

Umani ng batikos online ang naturang tanong, habang kinuwestiyon din ni Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima ang asal ng ilang mambabatas sa mga pagdinig.

Nangyari ang insidente noong Marso 3 sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights kaugnay ng aplikasyon ni Means para sa naturalization bilang Pilipino.

Si Means ay isang American women’s basketball player na nais maging naturalized Filipino upang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas Women’s 3×3 team at makasali sa international competitions kabilang ang 2028 Olympics.

Ayon kay Estrada, naitanong niya ito matapos mabanggit ng isa pang naturalization applicant na si Maodo “Malick” Diouf na may karelasyon itong Pilipina.

“It was asked within the context of determining her reasons for seeking naturalization as a Filipino,” paliwanag ng senador.

Dagdag pa niya, bahagi umano ng tungkulin ng komite na alamin kung ang mga aplikante ay may tunay na planong manirahan sa bansa, kabilang ang posibilidad ng pagtatatag ng pamilya sa Pilipinas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here