Home HOME BANNER STORY Korte Suprema, tatalima sa 4-day work week

Korte Suprema, tatalima sa 4-day work week

204
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng flexible work arrangements at mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya ang Supreme Court ng Pilipinas sa buong hudikatura.

Ito ay matapos ilabas ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang Memorandum Circular Number 02 Series of 2026.

Sa ilalim ng circular, magpapatupad ang SC at Court of Appeals ng apat na araw na on-site work at isang araw na work-from-home arrangement kada linggo.

Ang WFH ay itinakda sa araw ng Biyernes sa kundisyon na 25 percent ng mga kawani ay papasok kapag Biyernes.

Salig sa kautusan ng Punong Mahistrado, binibigyan ng kapangyarihan ang mga Presiding judge sa mga single-sala courts na maaring pumili ng alinman sa dalawang schedule.

Una ay on-site mula Lunes hanggang Huwebes at work from home tuwing Biyernes; o kaya ay on-site ula Martes hanggang Biyernes at work from home tuwing Lunes.

Kapag ang korte ay pairing courts dapat ay hindi pareho ang araw na work from home.

Ipapatupad rin sa multiple-sala courts ang apat na araw na on-site at isang araw na work from home nang salitang bawat linggo.

Mananatili namang limang araw na on-site workweek ang Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.

Ipapatupad din sa mga first at second level courts ang kaparehong work arrangement habang pinapayagan ang paggamit ng videoconferencing sa ilang pagdinig.

Kasama rin sa kautusan ang pagpapatupad ng mga hakbang sa energy conservation sa lahat ng korte at tanggapan ng hudikatura.

Magkakabisa ang naturang patakaran simula ngayong March 9, 2026 hanggang sa maglabas ng panibagong direktiba ang SC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here