Home HOME BANNER STORY Mojtaba Khamenei itinalaga bilang bagong supreme leader ng Iran

Mojtaba Khamenei itinalaga bilang bagong supreme leader ng Iran

228
0

TEHRAN, Iran – Itinalaga ng mga clerics ng Iran si Mojtaba Khamenei, anak ni yumaong Ali Khamenei, bilang bagong supreme leader ng bansa, sa kabila ng banta ng Estados Unidos at Israel.

Ipinahayag ng 88-member Assembly of Experts na siya na ang ikatlong lider ng Islamic Republic of Iran simula 1979.

Ang bagong lider, 56 taong gulang, ay kilala bilang hardliner at malapit sa Revolutionary Guards.

Samantala, patuloy ang nangyayaring labanan, ang Israel at US ay nagpapatuloy ng air strikes laban sa Iran. Kabilang dito, tinamaan ng mga pagsabog ang limang oil facilities sa Tehran at isang hotel sa Beirut.

Ang Iran naman ay naglunsad ng missile at drone attacks sa Israel, Bahrain, at iba pang Gulf countries.

Aabot sa 1,200 sibilyan ang nasawi sa Iran, at 10,000 ang nasugatan (hindi pa nakumpirma ng independent sources).

Ilang foreign nationals na rin ang nasawi sa Saudi Arabia at iba pang lugar dahil sa proyektil at missile attacks.

Tumaas din ang presyo ng langis, at patuloy ang takot sa toxic fumes sa Tehran dahil sa sunog sa oil facilities. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here