Home NATIONWIDE Pilipinas nasa tamang panahon para manligaw na makakuha ng pwesto sa UN...

Pilipinas nasa tamang panahon para manligaw na makakuha ng pwesto sa UN Security Council

181
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na ito ang tamang panahon para bigyan ng boses ang Pilipinas at mangampanya para sa isang non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC).

Binigyang diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang nasabing hakbang ay nagsisilbing ‘national, regional, at global interests.’

Aniya pa, ang makakuha ng puwesto sa UNSC ay makapagbibigay pagkakataon sa Pilipinas na makapag-ambag sa international peace at security decisions, at paghusayin ang kredibilidad nito bilang peace advocate.

“Ito po ‘yung tamang panahon. Ito po ang nararapat na panahon para sa Pangulo natin para ipakita sa mga miyembro na karapat-dapat po ang Pilipinas para mabigyan po ng non-permanent seat sa UN Security Council. Ito po ang natatamang panahon,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Castro sa mga mambabatas at kritiko na kinuwestiyon ang pangangailangan na itulak ng Pilipinas ang kandidatura nito.

Winika ni Castro na ang nilalayon ng Pilipinas ay makakapag-angat sa kredibilidad ng bansa upang mapakita na siya ay lider para sa kapayapaan.

“At maliban po d’yan, pati po ang pagiging, ang integridad ng Pilipinas upang gampanan ang kanyang tungkulin para mas lumawig pa ang pagtawag sa pandaigdigang kapayapaan. Hindi po ‘yan kasi ang nakikita nila,” aniya pa rin.

“Katulad po na sinabi natin, wala pong ibang pagkakataon kundi ito. Ito po ang kinakailangang makipag-usap po, at ipakita na ang Pangulo po mismo ay interesado po na ang Pilipinas ay mabigyan po ng non-permanent seat sa UN Security Council,” ang sinabi pa ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here