Home OPINION OFWs LIGTAS NAKAUWI SA PILIPINAS

OFWs LIGTAS NAKAUWI SA PILIPINAS

236
0

SA gitna nang tumitinding tensyon sa Middle East, maraming pamilya ang nagalak sa matagumpay at ligtas na pagdating ng 299 Pilipino na naapektuhan ng kaguluhan sa rehiyon. Dumating sila nitong nakaraang Marso 5, 2026, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 mula Dubai sakay ng Emirates Airlines. Alerto ang mga kinauukulang ahensya upang salubungin ang mga bagong “Buhay na Bayani.”

Marami ring airline ang nag-alok ng tulong para mailikas ang mga OFW, ngunit pansamantalang suspindido ang lahat ng flight sa Middle East, kaya’t hindi ito naging praktikal. Para sa ilan, ordinaryong balita lamang ang repatriation. Ngunit bawat Pilipinong bumaba sa eroplano ay may dalang kwento ng pangamba, pagod, at pag-asa na muling makapiling ang kanilang pamilya.

Ipinaliwanag ni Department of Migrant Worker Secretary Has Leo Cacdac na alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tiyakin na may sasalo at gagabay sa mga umuwing Pilipino. Pinangunahan ni Cacdac ang pagsalubong at tiniyak na may nakahandang tulong mula sa gobyerno: financial assistance mula sa AKSYON Fund ng DMW, accommodation at transport assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration, medical assistance mula sa Department of Health at psychosocial support mula sa Department of Social Welfare and Development.

Ayon sa ilang tripulante, naapektuhan ang kanilang paglalayag dahil sa patuloy na digmaan sa pagitan ng Iran, US, at Israel, na nagdulot ng pansamantalang pagsasara ng Strait of Hormuz, rutang pang-ekonomiya ng mundo.

Laging naka-alerto ang DMW at OWWA upang mabilis na tumugon sa mga Pilipinong nalalagay sa panganib sa ibang bansa, habang hindi pa masyadong lumalala ang kaguluhan. Milyon-milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo, at sa tuwing may krisis, sila ang unang naaapektuhan.

Ang bawat matagumpay na repatriation ay hindi simpleng operasyon ng gobyerno. Ito ay paalala ng laki ng responsibilidad ng bansa sa mga kababayan nitong nasa ibang lupain, at ng pangakong hindi sila iiwanan sa oras ng panganib.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here