Home OPINION ‘OIL TASK FORCE’ NG CUSTOMS SADYANG KAILANGAN

‘OIL TASK FORCE’ NG CUSTOMS SADYANG KAILANGAN

167
0

KASAMA tayo sa mga “bumilib” sa mabilisang desisyon ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na magbuo ng isang ‘special task force’ upang ‘mag-monitor’ sa importasyon natin ng langis sa panahong “tagilid” ang ekonomiya ng buong mundo dahil sa giyera sa pagitan ng Iran, Israel at ‘Tadong Unidos.

Kasama ang Department of Energy at Bureau of Internal Revenue, inatasan ni Comm. Ariel ang BOC- Oil Task Force na magsagawa ng ‘joint inspection’ sa lahat ng mga oil depot at oil storage facilities sa buong bansa.

Iniutos na rin ni Nepomuceno sa lahat ng BOC district collectors na isama ang imbentaryo ng importasyon ng ‘oil products’ na dumarating sa kanilang mga puwerto sa lingguhan nilang ‘Collectors’ Meeting.’

Sa tingin ng iba, simpleng “administratibo” lang ang nasabing utos. ‘No big deal,’ wika nga.

Teka lang. Sa panahon ngayong nanganganib ang ekonomiya ng mundo kasama ang ‘Pinas, sadyang kailangan ng gobyerno na malaman ang “totoo” na estado ng imbentaryo natin ng langis. Kailangang alam ni Pangulong Bongbong Marcos ang araw-araw nating sitwasyon upang makapagdesisyon siya ng tama.

Bakit kan’yo? Dahil sa totoo lang din, hindi natin maaasahan ang mga kompanya ng langis na magsabi ng totoo. Aber, ang DOE nga, suspetsa natin, wala ring ideya, Hu!Hu!Hu!

Suspetsa pa natin, sasamantalahin pa ng ilan ang sitwasyon para sa ‘hoarding’ upang makontrol nila ang suplay at presyo ng langis — kasehodang “manigas” tayong lahat. At kung “lumakas” ang ‘oil smuggling.’ huwag na rin tayong magtaka.

Higit 94 porsyento ng suplay natin ng diesel at gasolina ay nanggagaling sa Middle East. At ngayong sarado ang ‘Strait of Hormuz’ dahil sa giyera, saan natin kukunin ang suplay, aber?

Maliban kay President Marcos Sr., wala nang iba pang presidente na nakaisip magkaroon tayo ng ‘energy independence’ at ang kanyang mga nasimulan– PETRON, Hydro at Geothermal plants– ibinenta pa ng mga pumalit sa kanya sa mga oligarko.

Ang resulta? Andito tayo ngayon sa sitwasyon na ang bawat bariles– at patak– ng krudo ay mahalaga.

Kaya nga “mabuti” naman din at may isang Comm. Ariel Nepomuceno na ‘advance’ mag-isip sa panahon na kailangang may nag-iisip at gumagawa ng aksyon.

Tama ba, friendhip Jervy M at Vic. R?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here