Home NATIONWIDE Pagtatapos ng La Niña, inanunsyo ng PAGASA

Pagtatapos ng La Niña, inanunsyo ng PAGASA

186
0

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ang pagtatapos ng La Niña phenomenon.

“[O]cean conditions in the Pacific [are] now back to ENSO-neutral. Forecasts suggest these neutral conditions may continue until mid-2026,” ayon sa PAGASA sa isang social media post.

Ang La Niña, na nangangahulugang “the little girl” sa Spanish, ay isang climate pattern na nailalarawan ng pana-panahong paglamig ng sea-surface temperatures sa central at eastern equatorial Pacific Ocean.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na kahit tapos na ang La Niña, maaari pa ring makaranas ng malalakas na pag-ulan mula sa iba pang weather at climate systems na maaaring magdulot ng flash floods at landslides sa mga bulnerableng lugar.

Pinayuhan din ng weather bureau ang publiko na manatiling mapagmatyag at magsagawa ng mga nararapat na pag-iingat upang mabawasan ang epekto ng weather- at climate-related hazards.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na inaasahang may apat hanggang 11 tropical cyclones na papasok sa Philippine Area of Responsibility mula Pebrero hanggang Hunyo 2026. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here