Home NATIONWIDE Mananaya sa NegOc, wagi ng P45M lotto jackpot 

Mananaya sa NegOc, wagi ng P45M lotto jackpot 

162
0

MANILA, Philippines — Isang bettor na bumili ng lotto ticket sa Negros Occidental ang nanalo ng P45 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tamang nahulaan ng nanalo ang winning combination na 38-32-08-20-19-09 para masungkit ang jackpot prize na P45,000,000.00.

Samantala, walang nanalo sa P15,000,000.00 jackpot prize ng Megalotto 6/45 matapos walang makakuha ng winning combination na 23-24-03-38-04-21.

Ang Megalotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, habang ang Grand Lotto 6/55 naman ay ginaganap tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here