Home HOME BANNER STORY 30 Chinese ships namataan sa WPS — PH Navy

30 Chinese ships namataan sa WPS — PH Navy

204
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 30 Chinese vessels ang namataan ng Philippine Navy sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Marso 1 hanggang Marso 8.

Ayon sa Navy, 11 barko ang nakita sa Bajo de Masinloc, kabilang ang apat na People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels at pitong China Coast Guard (CCG) vessels. Sa Ayungin Shoal naman ay may walong barko na binubuo ng isang PLAN at pitong CCG vessels.

Pitong barko rin ang namataan sa Escoda Shoal na kinabibilangan ng tatlong PLAN at apat na CCG vessels, habang apat na barko naman ang nakita malapit sa Pagasa Island, kabilang ang isang PLAN at tatlong CCG vessels.

Mas mababa ito kumpara sa 34 Chinese vessels na na-monitor sa mga bahagi ng WPS mula Pebrero 22 hanggang Marso 1.

Patuloy ang tensyon sa South China Sea na halos inaangkin ng China, kahit may mga overlapping claims ang Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei. Ang naturang karagatan ay dinadaanan ng higit $3 trilyong halaga ng shipborne commerce bawat taon.

Tinatawag ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga bahagi ng South China Sea na sakop ng teritoryo ng bansa bilang West Philippine Sea, kabilang ang mga karagatang nasa kanlurang bahagi ng Philippine archipelago gaya ng Luzon Sea at mga katubigan sa paligid ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.

Noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague pabor sa Pilipinas laban sa mga claim ng China sa South China Sea at sinabing wala itong “no legal basis.”

Hindi kinikilala ng China ang naturang desisyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here