Home NATIONWIDE P102M kita sa auction ng mga sasakyan ng mag-asawang Discaya naiturn-over na...

P102M kita sa auction ng mga sasakyan ng mag-asawang Discaya naiturn-over na sa gobyerno

162
0

MANILA, Philippines – PORMAL na itinurn-over ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit ₱102.4 milyong kita mula sa pag-auction ng mga nasamsam na luxury vehicle ng pamilyang Discaya sa Bureau of the Treasury (BTr).

Isinagawa ang simbolikong turnover ceremony bilang patunay ng kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling at iba pang paglabag sa batas sa customs sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand R. Marcos Jr..

Ayon sa BOC, 13 mamahaling sasakyan na pagmamay-ari umano ng pamilya Discaya at kanilang mga kumpanya ang nasamsam matapos mapatunayang iligal na ipinasok sa bansa dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Kabilang sa mga nakumpiskang sasakyan ang mga high-end brand tulad ng Rolls-Royce, Bentley, Cadillac, Lincoln, Maserati at Mercedes-Benz, na ibinenta sa serye ng public auction upang mabawi ang halaga nito para sa gobyerno.

Unang isinagawa ang auction noong Nobyembre 20, 2025, kung saan naibenta ang tatlong sasakyan kabilang ang Mercedes-Benz G63 AMG at Lincoln Navigator L na nagkakahalaga ng higit ₱38 milyon.

Sinundan ito ng ikalawang auction noong Disyembre 5, 2025 kung saan naibenta ang Toyota Tundra at Toyota Sequoia, habang sa ikatlong auction noong Pebrero 11, 2026 ay nabili ang Rolls-Royce Cullinan sa halagang higit ₱29 milyon.

Sa ikaapat na auction noong Pebrero 25, 2026, tatlong sasakyan pa ang naibenta kabilang ang Bentley Bentayga at Cadillac Escalade ESV, kaya umabot sa ₱102,468,884.15 ang kabuuang nalikom mula sa siyam na sasakyan.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, patunay ang matagumpay na auction na seryoso ang BOC sa mahigpit na pagpapatupad ng batas at pagbabalik ng mga nakuhang ari-arian sa gobyerno upang magamit sa mga programang makikinabang ang mamamayang Pilipino. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here