Home NATIONWIDE Panukalang fuel tax relief lusot na sa komite ng Kamara

Panukalang fuel tax relief lusot na sa komite ng Kamara

188
0

MANILA, Philippines – Lusot na sa komite ng Kamara ang substitute bill na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang fuel excise tax sa panahon ng national emergency.

Ito ay kasabay ng malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado sa kabila ng Middle East tension.

Nitong Martes, Marso 10, inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang unnumbered substitute bill kung saan sa ilalim ng panukala ay maaaring ipatupad ang suspensyon kung lalampas sa $80/ barrel ang presyo ng Dubai crude oil at kung magdedeklara ang Pangulo ng national emergency o state of calamity. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here