Home NATIONWIDE Panukalang magbibigay kapangyarihan kay PBBM sa pagtapyas sa oil tax, isinusulong sa...

Panukalang magbibigay kapangyarihan kay PBBM sa pagtapyas sa oil tax, isinusulong sa Senado

164
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na bibigyan ng “utmost priority” ng Senado ang hiling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa emergency powers upang mabawasan ang excise tax sa produktong petrolyo sa gitna ng krisis sa Middle East.

Kasabay nito, naghain naman ng magkahiwalay na panukalang batas sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Francis “Chiz” Escudero hinggil sa naturang emergency powers upang pigilan ang posibleng negatibong epekto ng krisis sa Middle East sa ekonomiya ng bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na tanging ang mga ayaw tumulong sa karaniwang Pilipino na makayanan ang epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan — kabilang ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis — ang hindi magbibigay ng ganitong emergency powers.

“Only those who do not want to help alleviate the suffering of ordinary Filipinos brought about by the uncontrolled increase in the prices of oil in the aftermath of the raging Iran war would refuse to grant such emergency power,” aniya.

“In fact, the Senate is giving utmost priority to tackle the measure toward this end,” dagdag ng mambabatas.

Binanggit na ni Lacson noong nakaraan na ang posibleng hiling ng Pangulo para sa emergency powers para ibaba ang fuel taxes kung patuloy ang sigalot sa Gitnang Silangan ay dapat ikonsidera ng Kongreso.

Aniya, ang probisyon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law para suspendihin ang excise tax sa fuel kapag lumampas sa US$80 ang presyo ng Dubai crude oil ay nag-expire na noong 2020.

Isa pang opsyon, ayon kay Lacson, ang amyendahan ang TRAIN law, partikular ang huling bahagi ng Section 148 ng National Internal Revenue Code (NIRC), para bigyan ang Department of Finance ng kapangyarihang suspindihin ang excise tax kung ang presyo ng krudo ay lumampas sa US$80.

“Dapat hindi automatic (It should not be automatic). Instead, the law as proposed to be amended should only authorize, not mandate the DOF to suspend the excise tax,” aniya.

Magkasabay naman na naghain ng magkahiwalay na panukalang batas sina Pangilinan, Senate Bill No. 1940; at Escudero, Senate Bill No. 1938 na naglalayong bigyan kaagad ng emergency powers si Marcos.

Sa panukala ni Pangilinan, layunin ng SB 1940 na amendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997, nagsasabing na nakadepende anumang rekomendasyon sa suspensiyon ng excise tax sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa pakikipag-konsultasyon sa Department of Finance.

“Such measure would support timely relief, help ease inflationary pressures, and reduce cost burdens on Filipino consumers, particularly farmers, fisherfolk, transport workers, and small businesses,” ayon sa panukala.

Idinagdag pa ng panukala na: “Granting the President continuing authority to suspend or reduce fuel excise taxes during extraordinary circumstances would enable a timely policy response to exceptional oil price volatility and mitigate its impact on Filipino consumers.”

Sa kabilang dako, layunin naman ng panukala ni Escudero na maibaba kaagad ang buwis sa produktong petrolyo sa gitna ng umiiral na krisis sa buong mundo sanhi ng sigalot sa Gitnang Silangan.

Binibigyan ng kapangyarihan ng panukala ni Escuedero ang Pangulo na suspendihin o ibaba ang buwis sa produktong petrolyo.

“These developments have driven home a hard truth: as a net importer of crude oil, the Philippines remains highly vulnerable to external oil shocks and the inflationary pressures they trigger on transportation costs, electricity rates, and the prices of basic goods,” ayon sa mambabatas.

Lubhang nabahala naman si Senador Mark Villar sa epekto ng pagtaas ng presyo ng Langis sa pangkaraniwang mamamayan kaya susuportahan nito ang anumang panukalang magbabawas sa epekto ng krisis sa Filipino.

“Alam natin na mabigat sa bulsa ng ating mga kababayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at krudo. Kaya mahalagang mapag-aralan natin kung ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto nito sa ating mga mamamayan lalo na sa sektor ng agrikultura at transportasyon,” ani Villar. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here