MANILA, Philippines – GALIT na galit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa napaulat na mistreatment sa overseas Filipino workers (OFWs) ng isang Migrant Workers Office (MWO) employee sa Bahrain.
Kaya nga, kaagad na ipinag-utos ng Pangulo na tugunan ang bagay na ito.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na labis na ikinagalit ng Pangulo ang insidente ng di umano’y kinasangkutan ng isang MWO–Bahrain employee na si Anthony Allermo, ang ginawi ni Allermo ay hindi katanggap-tanggap.
“Hindi po pinalagpas ni Pangulong Marcos Jr. ang pangyayari sa pagitan ni MWO Bahrain employee, Anthony Allermo, at mga overseas Filipino eorkers doon. Hindi po ito ikinatuwa ng Pangulo. Nagalit siya para sa ating mga OFWs dahil sa pagmamaltrato ng ilang public servant,” ang sinabi ni Castro.
Sa isang viral Facebook video, isang lalaki na nakasuot ng violet shirt na nakilala sa pangalang Allermo ay nakitang nakikipag-usap sa mga OFWs kung saan inilarawan ng mga netizens bilang mayabang at sinabi di umani ni Allrmo na, “magsumbong na kayo kung kanino ninyo gustong magsumbong.”
Dahil dito, inatasan ng Pangulo si Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na imbestigahan at gumagawa ng agarang aksyon kaugnay sa di umano’y mistreatment sa ilang OFWs ng nasabing public servants.
Ani pa ni Castro, pinabalik si Allermo sa kanyang home office habang patuloy na isinasagawa ang administrative investigation laban sa kanya.
BIlang isang public servant, sinabi ni Castro na hindi dapat inabuso ni Allermo ang kanyang kapangyarihan, binigyang diin na ang pagiging mayabang o ang kayabangan o pagbalewala sa kapakanan ng kapuwa filipino sa ibang bansa ay hindi makatwiran.
“Noong nakita ng Pangulo ang nag-viral na video na nagpapakita kay Allermo sa hindi magandang pagtrato sa mga OFWs ay agad niyang inutusan si DMW Secretary Hans Leo Cacdac na mag-imbestiga at umaksyon sa naturang insidente,” ang sinabi ni Castro.
Binigyang din ni Castro na ang taong walang puso para sa paglilingkod sa bayan at mga mamamayan ay walang puwang sa administrasyong Marcos.
Samantala, iginiit naman ni Castro na ang sinumang opisyal na mabigat sa loob o walang kakayanan na maglingkod sa bayan at mamamayan na may ‘full commitment’ ay dapat na kagyat na magbitiw sa kanilang tungkulin. KRIS JOSE