Home ENTERTAINMENT Rumored jowa ni Enrique, nagseselos kay Andrea?

Rumored jowa ni Enrique, nagseselos kay Andrea?

243
0

Manila, Philippines – Malakas ang bulung-bulungan na pinagseselosan daw ng ‘babae’ o rumored dyowa ni Enrique Gil si Andrea Brillantes.

Ayon sa tweet ng isang bubuwit, medyo threatened daw si katukayo girl kay Blythe na ang lakas ng sex appeal at magnet sa mga kalalakihan.

Hindi naman ito kataka-taka dahil ayon nga sa nakausap kong tsismosang kapitbahay ay maging si Quen daw ay sobrang fond ngayon kay Andrea.

Ikaw ba naman ang tanghaling most beautiful face in the world ng pamosong TC Candler, isang titulong dati ring hawak ng ex ni Enrique na si Liza Soberano.

Pruweba lang ito na weakness talaga ni Quen ang mga magagandang bebot na may mataas na face card.

Speaking of Quen, back in top form na ang aktor at nagmukhang bumata recently kaya hindi mo na mapagkakamalang magkuya sila ni Andrea.

Ang tanong naman ng mga nang-iintriga, paano kung ma-develop si Enrique kay Andrea lalo na’t may upcoming serye silang ginagawa na kinunan pa sa ibang bansa?

Magkatotoo rin kaya ang hula na magkakaroon ng problema si Blythe sa rumored dyowa nitong si Franchesko Capistrano, ayon sa prediksyon ng isang psychic?

Sa kaso naman ni Enrique, paano na ang girl na sighted na kasama niyang nagsa-shopping noong nakaraang buwan?

Well, abangan. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here