MANILA, Philippines – Natukoy na ng pulisya ang dalawang indibidwal na natagpuang sunog ang katawan sa loob ng isang sasakyan sa Peñaranda, Nueva Ecija noong Lunes.
Ayon sa Nueva Ecija Police, ang mga biktima ay kinilalang sina Michael Odchigue at Regine Espinosa.
Isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad sa imbestigasyon ay ang posibleng kaugnayan sa negosyo.
Tinututukan na rin ng pulisya ang ilang persons of interest, ngunit hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nadiskubre ang sunog na labi ng mga biktima noong Lunes ng umaga sa loob ng isang nasunog na sasakyan sa Peñaranda matapos makatanggap ng ulat ang municipal police tungkol sa nasusunog na sasakyan. Mary Anne Sapico