Home HOME BANNER STORY Pag-usog ng BARMM elections sa Setyembre 2026, aprub na sa Kamara

Pag-usog ng BARMM elections sa Setyembre 2026, aprub na sa Kamara

169
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na naglilipat ng unang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14, 2026.

Sa botong 247-0-2 sa plenary session nitong Martes, ipinasa ng mga mambabatas ang House Bill 8220 na nagtatakda ng unang BARMM elections sa ikalawang Lunes ng Setyembre ngayong taon. Sa ilalim ng panukala, ang mga susunod na halalan ay gaganapin tuwing ikalawang Lunes ng Setyembre kada tatlong taon.

Ayon sa committee report, layunin ng panukala na tugunan ang constitutional at statutory gap na nalikha ng redistricting law na pinawalang-bisa ng Supreme Court, habang tinitiyak ang pagpapatuloy ng paggamit ng automated election system, paglilinaw sa voter eligibility, at pagtatakda ng assumption of office ng mga halal na opisyal.

Tinutukoy sa panukala ang temporary restraining order na inilabas ng Supreme Court laban sa pagpapatupad ng batas na naglipat ng 32 parliamentary seats ng Sulu sa ibang probinsya ng BARMM. Naipasa ang redistricting law matapos magpasya ang Korte Suprema noong 2024 na hindi bahagi ng BARMM ang Sulu.

Sa kasalukuyan, pinamumunuan ang rehiyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), na magpapatuloy sa pamamahala hanggang mahalal at makapanumpa ang kanilang mga kapalit sa automated elections sa Setyembre, ayon sa aprubadong panukala.

Gayunman, maaaring maputol ang termino ng mga miyembro ng BTA kung sila ay mahalal sa ibang posisyon o dahil sa iba pang dahilan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here