Home NATIONWIDE P197M lotto jackpots mailap sa mananaya

P197M lotto jackpots mailap sa mananaya

144
0

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot prize ng mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Marso 10.

Ayon sa PCSO, walang nakahula ng tamang kumbinasyon na 03-29-12-33-10-16 para sa Lotto 6/42, na may P10 milyong jackpot prize.

Nanatili ring walang nanalo sa Superlotto 6/49 matapos walang tumama sa winning numbers na 42-46-32-19-44-16, kaya umabot sa P99,658,844.67 ang jackpot.

Gayundin, walang nakahula sa tamang kumbinasyon na 42-58-35-02-51-26 para sa Ultra Lotto 6/58, kaya nananatiling nakataya ang jackpot na P87,396,535.70.

Ang Lotto 6/42 ay binubunot tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ang Superlotto 6/49 ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.

Samantala, ang Ultra Lotto 6/58 ay may draw tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here