Home METRO P6.8B tobats nasamsam sa abandonadong speedboat sa OccMin

P6.8B tobats nasamsam sa abandonadong speedboat sa OccMin

157
0
via 2nd Infantry Division, Philippine Army

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Narekober ng Philippine Army sa Occidental Mindoro ang ilang sako ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 bilyon mula sa isang abandoned na speedboat sa Barangay Harrison, Paluan.

Ayon sa 2nd Infantry Division (2ID), tumugon ang mga sundalo at CAFGU Active Auxiliary (CAA) mula sa 76th Infantry Battalion sa ulat ng isang concerned citizen tungkol sa twin-engine speedboat na natambak sa Sitio Agbalite.

Dito natagpuan ang 43 sako ng puting kristalin na pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu. Kasama rin sa narekober ang isang Starlink communication device, walong hand flares, tatlong fire extinguishers, apat na baterya, dalawang life jackets, at dalawang lifebuoys.

Ayon sa militar, ang eksaktong timbang, komposisyon, at halaga ng droga ay susuriin pa sa laboratoryo ng mga awtoridad.

“Agad naming sinigurado ang mga narekober na item habang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng batas para sa tamang dokumentasyon, imbentaryo, at karagdagang imbestigasyon,” dagdag ng 2ID. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here