Home METRO 5 Vietnamese arestado sa ilegal dog meat operation sa Pasay, Makati

5 Vietnamese arestado sa ilegal dog meat operation sa Pasay, Makati

206
0

MANILA, Philippines – Arestado ng NBI at NMIS ang limang Vietnamese nationals matapos isara ang isang ilegal na dog meat processing at online selling operation sa Pasay at Makati.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, natuklasan ang operasyon matapos ang test-buy operations, kung saan na-deliver ang dog meat sa undercover agent. Tinunton ng awtoridad ang pinagmulan ng karne sa isang processing site sa Makati.

Sinabi ni NMIS Executive Director Dr. Fernando Lontoc na kinumpirma ng laboratoryo gamit ang PCR na ang karne ay mula sa aso.

Binanggit ng Makati LGU na labag sa batas ang dog meat trade, na ipinagbabawal ng Makati Animal Regulation and Control Code at Makati City Meat Inspection Code.

Ipinaliwanag ni Marines Lagarto na hindi na-detect ang operasyon dahil hindi ito rehistradong food establishment at nakatago sa ilalim ng multi-layer setup.

Binigyang-diin ni Matibag na bawal ang pagpatay, pagkatay, at pagbebenta ng aso sa Pilipinas dahil sa panganib sa kalusugan at animal cruelty. Ayon sa kanya, posibleng may rabies o iba pang sakit ang karne.

Kasabay nito, kinokonsulta ng NBI sa Bureau of Immigration ang status ng mga suspek, na posibleng ideport pagkatapos ng criminal charges. Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot at ang pinagmulan ng mga aso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here