MANILA, Philippines – Kasabay ng isinagawang rally ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Liwasang Bonifacio ay nagtungo naman ang ilan sa Korte Suprema para kalampagin ang mga hukom na dedisyunan na ang mga petisyon na una na nilang inihain.
Sinabi ni Senator Robin Padilla na nagtungo sila sa Korte Suprema bilang isang myembro ng PDP Laban at para samahan ang grupo ng “Tay Kami Naman” na matagal na panahon na aniyang naghihintay at nangangamba na kalagayan ng dating Pangulo.
“Medyo nangangamba na ho ang maraming nagmamahal kay Tatay Digong dahil isang taon na ho siya dun,” ani Padilla.
Aniya, kaya sila nangalap ng pirma, tunay na mga tao na pumirma para makita ng Supreme Court na naghahangad na sila lahat ng desisyon nila kung yung pagkakadala sa dating pangulo ay legal o ilegal.
“Alam niyo po marami na po tayong nai-file dito na hinihingi po natin s ating mga Justice na dedisyunan na.”
Ayon kay Padilla isa siya sa naunang pumirma na ngayon ay umabot na sa 238,561 signature ang kanilang nakalap.
Sa pamamagitan ng nakalap na pirma ay umaasa ang mga taga-suporta ni Tatay Digong makipaglaban na ng desisyon ang Korte Suprema.
Samantala naniniwala ang senador na dapat dito sa Pilipinas nilitis ang dating Pangulo dahil mayroon tayong korte na tumatakbo. Jocelyn Tabangcura-Domenden