Home METRO 15 empleyado sa Bataan nagpositibo sa drug test

15 empleyado sa Bataan nagpositibo sa drug test

159
0

BATAAN, Philippines – Inulat na may labinlimang (15) kawani ng Local Government Unit (LGU) ang umano’y nagpositibo sa iligal na droga matapos ilunsad ang isang surprise drug test kamakailan sa bayan ng Limay.

Napag-alaman ito mula kay Limay Town Mayor Richie Jason David na may mga nagpositibo sa isinagawang drug test.

Pinangasiwaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bataan Police Director Col Maritess Salvadora ang drug test sa nasa 305 kawani ng munispyo kung saan 15 umano sa mga ito ang nagpositibo sa iligal na droga.

Ayon kay Mayor David, ang mga nagpositibo ay isasalang pang muli sa confirmatory test bilang bahagi ng umiiral na proseso.

Sa isasagawang assessment, ang mga nagpositibo at mapatunayang dependent ay isasailalim umano sa rehabilitation program.

Bagamat ang lahat ng dadaan sa assessment alinsunod sa tamang proseso, ang mga nagpositibo ay posible umanong masibak sa kanilang trabaho sa lokal na pamahalaan.

Ang ikinasang sorpresang drug test LGU na isang seryosong  hakbang ay pakikibahagi at bilang pakikiisa sa kampanya ng kapulisan kontra iligal na droga. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here