Home NATIONWIDE Working visit ni PBBM sa Estados Unidos, “very productive”

Working visit ni PBBM sa Estados Unidos, “very productive”

166
0

MANILA, Philippines – “Very productive.”

Ganito ilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang two-day working visit sa Estados Unidos.

Binigyang diin ng Pangulo ang pagsisikap niyang i-promote ang kapayapaan sa gitna ng global tensions at paghingi ng suporta para sa hangarin ng Pilipinas na makasungkit ng isang non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC).

Sa pagtatapos ng kanyang engagements sa United Nations sa Estados Unidos, sinabi ng Pangulo na ang kanyang naging pagbisita ay sumentro sa paghikayat ng kapayapaan para sa Gitnang Silangan at iba pang conflict-affected regions, habang pino-promote ang nilalayon ng Pilipinas na makakuha ng isang puwesto sa United Nations Security Council para sa 2027–2028 term.

Sa unang araw ng kanyang working visit, inihayag ng Pangulo ang kanyang national statement sa 70th session ng UN Commission on the Status of Women, kung saan ay binigyang diin niya na ang progreso ng bansa ay sinukat sa pamamagitan ng katayuan at kapangyarihan ng mga kababaihan.

“I emphasized, amongst others, the importance of education, unity to confront violence against women in all forms, and ensuring that women are present wherever decisions are made, anywhere within government, within business, in science, in diplomacy, and in peace-building,” ang sinabi ng Pangulo.

Nakipagpulong din ang Pangulo kay UN Secretary General António Guterres, kung saan muli nitong pinagtibay ang commitment ng Pilipinas sa multilateralism at patuloy na kooperasyon kasama ang global body.

Sa isang special plenary session ng United Nations General Assembly sa huling araw ng kanyang working visit, binigyang diin ng Pangulo sa 193 member-states ang kahalagahan ng rule of law, multilateralism, at mapayapang pag-aayos ng labanan.

Humingi naman ng suporta si Pangulong Marcos para sa hangarin ng Pilipinas na magkaroon ng puwesto sa UNSC, sabay sabing madadala na ng Pilipinas ang boses ng Indo-Pacific, developing countries, climate-vulnerable nations, at middle-income countries sa Konseho habang isinusulong ang South-South cooperation.

Nag-host din si Pangulong Marcos ng isang diplomatic reception na dinaluhan ng high-level representatives mula sa mga member states ng United Nations upang patuloy na humingi ng suporta para sa kahilingan ng Pilipinas.

Sinabi pa rin niya na ang Pilipinas ay naging bahagi ng pagsisikap na tugunan ang global challenges simula ng itaguyod ang United Nations noong 1945 at nananatiling “a trusted and independent partner, pathfinder, and peacemaker.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here