Home METRO Tigil-pasada, ikinasa ng transport group sa Cavite

Tigil-pasada, ikinasa ng transport group sa Cavite

262
0

CAVITE, Philippines – Apat na araw na tigil pasada ang naging tugon ng mga drivers at operators ng Cavite Zapote Naic Tanza Transport Service Cooperative (CZNTTSC) na bumibiyehe ng Cavite City dahil umano sa panggigipit sa kanilang hanay.

At bilang sagot sa kanilang protesta, simula ngayong Miyerkules, Marso 11 hanggang Lingo, Marso 15, hindi papasada ang mga drivers ng CZNTTS sa Lungsod ng Cavite pero bukas pa rin ang kanilang ruta sa ibang lugar kabilang ang Noveleta hanggang Naic o Noveleta hanggang Zapote at vice versa.

Ayon naman sa paliwanag ni Marcus Copino, Chairman ng CZNTTS na ipinahintulot na  ipinasara ang kanilang terminal na matatagpuan sa Brgy 13, Lawin Cavite City nang hindi nila maiproseso ang business permit na hinihingi sa kanila matapos ang isang araw na palugit.

Pero paliwanag ni Copino na hindi ganuon kadalii kumuha ng business permit dahil may mga prosesong pagdadaanan at ang may-ari ng terminal na kanilang inuukupahan ay naninirahan sa ibang bansa.

Panawagan ng mga driver kay Cavite City Mayor Mayor Denver Chua na bigyan sila ng sarili nilang terminal

Hiling pa ng grupo na habang inaayos ang hinihingi nilang dokumento ay bigyan sila ng pansamantalang terminal ng kanilang mga drivers.

Ipinagtataka rin nila kung bakit hindi sila binibigyan ng terminal samantalang malaking bilang ang kanilang grupo habang ang isang grupo na kakaunti lamang ng bilang ay kanilang binigyan ng terminal.

Nakahanda naman ang kanilang hanay na nagtulungan sa isa’t-isa nang magpasya ang kanilang grupo ng tigil pasada. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here