Home NATIONWIDE Pondo nakahanda para sa repatriation ng mga OFWs sa Middle East

Pondo nakahanda para sa repatriation ng mga OFWs sa Middle East

143
0

MANILA, Philippines – Sinuguro sa House of Representatives ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na may sapat na pondo para mabigyan ng agarang tulong pangunahin na sa repatriation ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sakaling sumiklab ang tensyon sa  Middle East escalate.

Sa joint hearing ng House Committees on Foreign Affairs at  Overseas Workers Affairs ay tiniyak ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na nakahanda ang  Aksyon Fund ng ahensya na nasa P200 million, bukod pa dito P800 million na makukuha sa Department of Budget and Management (DBM).

“The funds have been downloaded to the respective posts and they are adequate” ani Cacdac.

Ang Aksyon Fund ay welfare fund na nakatuon para sa “rapid assistance” sa mga OFW, sakop nito ang legal, medical, repatriation at humanitarian support.

Sinabi naman ng OWWA na maging ang kanilang  Emergency Repatriation Fund (ERF) ay maaaring magamit sakaling magkaroon ng large-scale evacuation sa Middle East.

“We are at a utilization rate of 18 percent as we speak. So that would bring us down to a balance of P1.4 billion,” pahayag ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan.

Ikinatuwa naman ni Agimat Party-list Rep. Bryan Revilla, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang ibinigay na “assurance” ng dalawang ahensya na walang magiging problema sa pondo.

“It is very important na malaman ng ating mga kababayan na meron pong pondo ang ating gobyerno na nakahanda po para sa mga nangangailangan,” ani Revilla.

“We understand also their situation there na may pangangamba talaga. Nagpa-panic po ‘yung iba dyan, and we’ve seen videos online. It’s really good to hear na meron po tayong allotted funds dyan and sana po mabigay po ng tama sa ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

 Ang joint hearing ay inisyatibo ni House Majority Leader Sandro Marcos, layon nito na malaman ang kahandaan ng pamahalaan sa oras na tumagal pa at luwamak ang tensyon sa Gitnang Silangan. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here