MANILA, Philippines – Makukumpleto na ang konstruksyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 na magkokonekta sa North at South Expressway o NLEX-SLEX Connector.
Sa pag-iinspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon, sinabi na nasa 98 percent nang kumpleto kung saan pinabilisan din ang right-of-way acquisition simula pa noong nakaraang taon.
Ayon kay Dizon inaasahan na mapapabilang na rin ang buhay ng aabot sa 30,000 na motorista at kompyuter mula sa Southern at Northern Metro Manila araw-araw.
Siniguro naman aniya ng San Miguel at Metro Pacific na sa una o ikalawang kuwarter –kung hindi man ay kalagitnaan ng susunod na taon ay matatapos na ito.
Ito ay alinsunod sa direktiba ng pangulo na paspasan ang konstruksyon sa nakabinbing bahagi ng Skyway Stage 3. Jocelyn Tabangcura-Domenden