
MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senador Mark Villar ang kanyang buong suporta sa pagpasa ng Senate Bill No. 1822, o ang National Autism Care, Support, and Inclusions Act, sa ikatlong pagbasa sa Senado.
Ayon kay Villar, layunin ng panukala na magbigay ng mas malawak na suporta sa tinatayang 1.2 milyong Pilipino na nasa autism spectrum. Batay sa datos, isa sa bawat 100 Pilipino ang may Autism Spectrum Disorder (ASD), ngunit karamihan sa mga na-diagnose ay nasa mga urban area tulad ng Metro Manila at CALABARZON.






