Home TOP STORIES National Autism Care, Support, and Inclusions Act isinusulong sa Senado

National Autism Care, Support, and Inclusions Act isinusulong sa Senado

163
0
Suportado ni Senator Mark Villar ang Senate Bill No. 1822 o ang National Autism Care, Support, and Inclusion Act sa pagpasa nito sa third reading. Hangad niya na maging tulay ang batas na ito para matiyak na maayos at sapat ang pagkalinga sa lahat ng Pilipinong nasa Autism Spectrum. Layon ng panukalang ito na gawing abot-kaya ang mga specialized treatment at palawakin ang suporta ng pamahalaan para sa mga pamilya at caregivers sa buong bansa.

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senador Mark Villar ang kanyang buong suporta sa pagpasa ng Senate Bill No. 1822, o ang National Autism Care, Support, and Inclusions Act, sa ikatlong pagbasa sa Senado.

Ayon kay Villar, layunin ng panukala na magbigay ng mas malawak na suporta sa tinatayang 1.2 milyong Pilipino na nasa autism spectrum. Batay sa datos, isa sa bawat 100 Pilipino ang may Autism Spectrum Disorder (ASD), ngunit karamihan sa mga na-diagnose ay nasa mga urban area tulad ng Metro Manila at CALABARZON.

Aniya, maraming pamilya sa mga lalawigan ang nahihirapang makakuha ng serbisyong medikal tulad ng maagang diagnosis, screening, at intervention.

“A large number of Filipino families live with limited access to specialists, intervention mechanisms, and therapies that could alleviate the conditions of their loved ones,” ani Villar.

Sa ilalim ng panukala, layong maitatag ang isang pambansang programa na magtitiyak ng abot-kayang paggamot at care plans para sa mga may ASD, habang isinusulong din ang inclusive education, oportunidad sa trabaho, at tulong ng pamahalaan para sa kanilang mga pamilya at tagapag-alaga.

“I am grateful that this bill has been approved… as it is through this that we can provide dignified and sufficient access to treatment programs and care plans for persons with Autism Spectrum Disorder (ASD). By approving this bill, we also extend the much-needed support to their families who have been working hard to provide for their needs,” dagdag ng senador.

Nanawagan din si Villar sa agarang pagpasa ng panukala, na aniya’y mahalagang hakbang upang maisulong ang isang mas inklusibong lipunan sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here