Home NATIONWIDE Iran ‘di makakasali sa FIFA World Cup

Iran ‘di makakasali sa FIFA World Cup

169
0

IRAN — Inanunsyo ng Iran na hindi ito lalahok sa 2026 FIFA World Cup matapos ang airstrikes ng Estados Unidos at Israel na ikinasawi ng kanilang Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei.

Ayon kay Iranian Sports Minister Ahmad Donyamali, hindi maaaring sumali ang kanilang koponan sa torneo na gaganapin sa Estados Unidos, Mexico at Canada mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 19, 2026.

“Considering that this corrupt regime has assassinated our leader, under no circumstances can we participate in the World Cup,” ani Donyamali sa state television.

Idinagdag ng opisyal na hindi ligtas ang sitwasyon para sa kanilang mga atleta at mamamayan sa gitna ng patuloy na tensyon at digmaan sa rehiyon.

“Our children are not safe and, fundamentally, such conditions for participation do not exist,” dagdag niya.

Ayon sa Iranian ambassador sa United Nations, mahigit 1,300 sibilyan na ang nasawi mula nang magsimula ang airstrikes ng US at Israel noong Pebrero 28.

Nakatakda sanang makaharap ng Iran sa Group G ng torneo ang Belgium, Egypt at New Zealand, kung saan lahat ng kanilang laban ay gaganapin sa Estados Unidos, dalawa sa Los Angeles at isa sa Seattle.

Kung tuluyang umatras ang Iran sa torneo, maaaring patawan ito ng multa na hindi bababa sa 250,000 Swiss francs ayon sa regulasyon ng FIFA, at posibleng palitan ng ibang national team sa kompetisyon.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Iranian Football Federation at FIFA kaugnay ng posibleng pag-withdraw ng bansa sa World Cup. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here