Home HOME BANNER STORY DepEd: #WalangPasok sa iskul tuwing Huwebes at Biyernes, fake news!

DepEd: #WalangPasok sa iskul tuwing Huwebes at Biyernes, fake news!

228
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Education (DepEd) nitong Huwebes laban sa kumakalat na social media post na nagsasabing may suspensyon ng klase tuwing Huwebes at Biyernes.

Sa advisory ng ahensya, nilinaw ng DepEd na wala itong inilabas na opisyal na polisiya o kautusan tungkol sa lingguhang suspensyon ng klase sa mga paaralan ng basic education.

“Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y suspensyon ng klase tuwing Huwebes at Biyernes (Posts circulating on social media claiming that classes are suspended every Thursday and Friday are fake news),” pahayag ng DepEd.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na tiyaking beripikado ang impormasyon bago ito ibahagi, lalo na kung may kinalaman sa iskedyul ng klase at mga patakaran sa paaralan na nakaaapekto sa milyun-milyong mag-aaral.

“Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita online (DepEd once again reminds the public to be discerning about the information they see online),” ayon sa kagawaran.

Binalaan din ng DepEd ang mga netizen na huwag sundan ang mga social media page na nagpapakalat ng maling impormasyon at agad itong i-report.

“Huwag i-follow ang mga page na nagpapakalat ng maling impormasyon at agad itong i-report (Do not follow pages that spread false information and report them immediately),” dagdag ng DepEd.

Para sa tamang impormasyon tungkol sa suspensyon ng klase at iba pang anunsyo sa edukasyon, pinayuhan ng DepEd ang publiko na umasa lamang sa opisyal na social media accounts at communication channels ng DepEd Philippines. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here