Home NATIONWIDE Alamin: #CancelledFlights na hagip ng US-Iran tension

Alamin: #CancelledFlights na hagip ng US-Iran tension

186
0

MANILA, Philippines – Ilang biyahe ng eroplano mula at papunta sa Middle East ang kinansela nitong Marso 12 dahil sa limitadong airspace at mga alalahanin sa seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa rehiyon.

Batay sa advisory ng Cebu Pacific at Philippine Airlines (PAL), kabilang sa mga kanseladong flight ngayong Huwebes ang sumusunod:

Para sa Cebu Pacific, kinansela ang flight 5J 14/15 (Manila–Dubai–Manila).

Samantala, para sa Philippine Airlines, kinansela ang PR 685 (Doha–Manila), PR 684 (Manila–Doha), PR 654/655 (Manila–Riyadh–Manila), at PR 658/659 (Manila–Dubai–Manila).

Naglabas din ng abiso ang dalawang airline hinggil sa iba pang kanseladong biyahe hanggang Marso 17, dahil patuloy na naaapektuhan ng sigalot sa Middle East ang operasyon ng mga flight sa rehiyon.

Nauna nang sinabi ng mga airline na dulot ng airspace disruptions at security concerns ang mga kanselasyon kasunod ng paglala ng labanan sa Middle East. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here